unang rason: tinapos ko na yung requirements ko. ung mga late. ung mga last last week pa ang deadline. ayun, ginawa ko na siya.:))
rason para malungkot: si miss villavert.wala sa faculty kanina. haha.:)) dko din nabigay. [actually, natatawa ako dun. pero naisip ko nakakalungkot din un kung hindi ko un tinawanan.:)) EWAN.]
pangalawang rason: may ginagawa ako ngayon. super nakakangarag. haha.:)) masaya daw un?! e kasi, nakakaexcite.:D sasabihin ko sa inyo pagnatapos ko na.
rason para malungkot: HINDI KO ALAM KUNG PANO GAGAWIN. may mga sagabal e.:)) ang hirap pag wise ung kalaban mo.:))
pangatlong rason: sinabi na kung saang community kami. GK ako!:) first choice ko un e. tas kasama ko sila barbs, nikki, vana, ako, patch and dk.:D at medyo napansin ko ngayon lang, ako lang ii5. pero what the heck. iv1 nko ngayon. ayun e!:)
rason para malungkot: sobrang lapit lang ng GK. gusto ko sana ung mala 2hour drive.:)) kaso hindi e. 1 minute, andun na kami. [obvious naman na joke to db?! at sobrang korni?! alam ko naman e. ako na gagawa para sainyo. WEH KIM. :|]
WAIT. may pangalawang rason din para malungkot.: hindi nga pala ako commonwealth. andun si sir e. tsk! haha.:)) sana lumipat siya ng community. sana magGK siya. haha.:)) siya pa ung sinabihan. pero ok lang din. mas gusto ko sa GK. gagawa kami ng bahay. [buhay-karpintera to mehn!:)) WEH ULIT KIM. :|]
pangapat na rason: pinakamasayang rason: BREAK NA SILA. haha.:)) may chance nko! joke. nalaman ko sa girlfriend ni someone na wala na sila. haha.:)) tas sinabi pa niya na dapat sa UE nalang ako mag-aral. kasi pagnakita ko daw si james, ngpopose daw un sa picture. haha.:)) MAYGAHD.
rason para malungkot: kaya lang naman naging topic si james kasi sabi nung gf ni someone, katext daw nung friend niya si james. e nung time na sinasabi niya un, di niya alam na crush ko si james. haha.:)) ang sakit. may katext si james. camille pangalan.:(( tas tinanong ko kay kuya kung maganda. sabi niya 'ok lang. mataba.' e kilala ko si kuya. pag sinabi niyang ok lang, ibig sabihin nun.. HINDI. [dko alam kung good news or bad news un.] tas sabi ko 'e kahit naman ung NGAYONG EX niya, mataba e.tsaka OK LANG din ung itsura.' siyempre gets na ni kuya un. pero OOOPS. nadulas ako. hindi ko dapat sinabi un. tas ayun na nga, nasabi na e. kaya ayun si mama, tinanong ako. 'bat mo alam un?' sabi ko 'sinabi sakin ng kaklase ko.' IT'S A LIE. pero parang totoo kasi sinabi naman talaga sakin. hindi nga lang kaklase ko.:)) tas humirit si kuya ng 'WOW. STALKER.' nasabi ko lang, 'I'M NOT A STALKER. i'm just a fan.. an OBSESSED fan.' [oo alam ko. pareho lang yun. bakit ba?! gusto kong sabihin un e.:)) tsaka nanood ako ng sharon.:)) stalkers ung pinag-uusapan. kaya narealize ko, di naman ako ganun kalala.:))]
ayun. yan ang mga rason kung bakit masaya tong araw na to. sana ganito palagi. ayun, sige. babay!:D