Wednesday, January 9, 2008

tanong. anong sagot? [kaya nga nagtatanong e. para malaman yung sagot.:|]

madami akong tanong. kaya marami din kayong sasagutin. o baka mamaya, ako nalang sumagot? kaso.. pano ko masasagot kung ako nga yung nagtatanong? pero diba yung mga teachers, nagtatanong kahit na alam na nila yung sagot? OO NGA NO. bakit pa sila nagtatanong, alam pala nila sagot. parang niloloko lang pala nila tayo sa kakatanong nila. paano kaya nila nasasagot yung mga tanong nila? teka.. tatanungin ko lang sila. [BRB]

 

ayun. nakuha ko na yung sagot. sabi nila, nasasagot daw nila yung mga tanong nila kasi nag-aaral sila. e bakit ganun? nag-aaral din naman ako. nag-aaral din naman tayo. pero nagtatanong parin tayo. tas di naman natin alam yung sagot kapag nagtatanong tayo. yung mga teachers ang sumasagot. edi bakit ang daya nila? nag-aaral sila tas nakukuha nila yung sagot. hindi man lang sila nagtatanong sa atin e nag-aaral din naman tayo. pero tayo.. nag-aaral tapos nagtatanong parin. teka.. tanong ko ulit.

 

ayun. kasi daw may notes silang tinitignan. aaah.. ok. onga naman. wait. e may notes din naman tayo diba? pero yun nga. nagtatanong parin tayo.:| parang ang labo naman. teka nga ulit..

 

ayun. sabi niya, tinitignan daw niya yung notes niya pag may nagtatanong sakaniya. kaya daw niya nasasagot. may silbi naman pala yung notes e.:) wait. HUH?!?!?! tinitignan niya yung notes niya?!?!?! ediii.. CHEATING YUN?!?!?!  e diba masama yun?! bawal yun! tas sila, ginagawa nila?! UNFAIR. miss sacdalan!!!! aay.. MISS BAYLE!!!! aay.. mali parin. MISS GLORIA MACAPAGAL ARROYO!!! di pa rin ata sila takot e.:(( ok lang. tandaan nila. NAKABANTAY ANG PANGINOON SAKANILA. matakot na kaya sila? o diba? cheating yun?! masama sila. hindi dapat ganun.

 

sabi niya.. hindi daw cheating yun. sinasagot lang daw nila tanong namin. natin. E HELLO. edi pag sila nagtanong, pwede din nating tgnan notes natin?!

 

oo daw. pwede. aaah.. ayun naman pala e. sige. sa 4th quarter exams.:) titignan ko notes ko para masagot ko mga tanong nila. siguro naman fair na yun diba?

 

nga pala. pano umihi ang ahas?

3 comments:

  1. haha.:)) eeh. sorry naman.:| dko nga alam kung bakit ganyan yung nasulat ko e. basta nagsulat lang ako. tas nung binasa ko napa-SHET nalang ako.:))

    ReplyDelete